Twitter account ni Yaya Dub na-hack!

NA-hack and twitter account ni Maine Mendoza, mas kilala sa tawag na “Yaya Dub” at ang better-half ng “AlDub”.

Sinasabi na ang nakapag-hack sa account ni Maine ay ang grupo na  Anonymous Philippines.

Nangyari ito Martes ng umaga.

“Sorry po if napadaan kami sa account ni yayadub, ibabalik din namin to sa tunay na may-ari.. Nagmamahal, Anonymous Philippines,” pahayag ng tweet na ipinost ng grupo sa account ni Maine.

Apat na tweet pa ang inilagay ng grupo na humihiling sa follower ni Yaya Dub na makisali sa “Million Mask March.”

Ang mabilis na pagsikat ang AlDub love team ang nagbigay kay Maine sa ikatlong pwesto na merong fastest-growing celebrity profile nitong Setyembre, ayon sa Twitter monitoring site socialbakers.com.

May 2.4 milyong follower si Maine sa Twitter.

Bago pa ang pag-hack sa account ni Maine, ilang website ng mga government agencies ang na-hack na rin ng Anonymous Philippines. Kamakailan lang ay “ginalaw” nito ang website ng National Telecommunications Commission para i-demand ang mabilis at maayos na Internet service sa bansa.

Read more...