Muling ibinandera ni Marian Rivera ang kanyang baby bump sa isang glossy magazine. Kumalat sa social media kahapon ang litrato ng misis ni Dingdong Dantes sa Esquire Philippines kung saan makikita siyang nakaitim na bra at kitang-kita ang malaking tiyan.
In fairness, puro papuri ang nakuha ni Marian mula sa netizens dahil sa napakagandang pictorial. Kahit ang mga mommy ay nag-congratulate kay Marian dahil kahit buntis ito ay ang seksi-seksi pa rin.
Sabi nga ng isang netizen, “Nakakainggit naman itong si Marian Rivera! Kahit preggy, super sexy pa rin. I’m sure proud na proud si Dong sa kanyang wifey.
At siguradong inggit pa more kay Marian ang tulad kong mga nanay!” Nakatakdang manganak ngayong buwan si Marian sa first baby nila ni Dingdong.