James Reid nag-emote sa instagram post; miss na miss si Nadine Lustre

james reid

IN fairness ha, kahit ang mga member pala ng showbiz press ay bilib na bilib sa Kapamilya hunk actor na si James Reid. Nabuking ito ng mga taga-Corporate Communication ng ABS-CBN kamakailan nang magsama-sama ang mga entertainment editors sa isang event sa bagong indoor education and play city na Kidzania sa The Fort.

Bago ang nasabing event ay tinanong isa-isa ang mga entertainment editors mula sa iba’t ibang diyaryo kung sino kina Daniel Padilla, James Reid at Enrique Gil ang nais nilang makatabi sa pagtulog.

May mga nagbanggit sa sa pangalan nina Enrique at Daniel pero pinakara-ming nakuhang boto si James. Ang lahat ng pumili kay James ay binigyan ng bagong labas na James Reid yellow pillow habang ang mga bumoto naman kina Daniel at Enrique ay niregaluhan din ng unan na may malaking mukha ng dalawang Kapamilya matinee idol.

Samantala, maraming na-curious sa mensaheng ipinost ni James sa kanyang Instagram account recently na may litrato pa nila ng kanyang ka-loveteam na si Nadine Lustre habang ine-enjoy ang sunset.

Marami ang nagsabi na baka may “something” na sa pagitan ng dalawang bida ng seryeng On The Wings Of Love. Narito ang kabuuan ng IG post ni James: “The idea is to remain in a state of constant departure while always arriving. It saves on introductions and goodbyes.

“The ride does not require explanation – just occupants. That’s where you guys come in. It’s like you come onto this planet with a crayon box. Now you may get the 8 pack, you may get the 16 pack but it’s all in what you do with the crayons – the colors – that you’re given.

“Don’t worry about coloring within the lines or coloring outside the lines – I say color outside the lines, you know what I mean? Color all over the page; don’t box me in! We’re in motion to the ocean. We are not land locked, I’ll tell you that.”

Actually, ang nasabing caption ay hiniram ni James 2001 movie na “Waking Life.” Ayon sa ilang followers ni James, mukhang may pinagdaraanan ngayon ang binata kaya medyo senti ang kanyang message.

May nagkomento naman na baka na-miss lang nito si Nadine. Pero agad namang nilinaw ng hunk actor na walang malalim na ibig sabihin ‘yun sa kanyang buhay, aniya, “It’s just a pretty picture and an interesting quote.”

Dagdag pang komento ni James, “That’s not talking about me as a person. Medyo malalim. It’s like don’t limit your mind and don’t limit your ima-gination. No, (nothing personal). Actually the fans always find a way to make a meaning.”

Bago ito, nangako si James kay Nadine na may malaking sorpresa siya sa dalaga pagbalik nito ng Maynila galing sa South Korea kung saan siya nagdiwang ng kanyang kaarawan kasama ang kaibigang si Yassi Pressman.

Isang follower naman ang nagtanong kung binati na niya ng happy birthday si Nadine, tugon nito, “I have (greeted her) many times this whole week. But I’m going to message her.”

Kamakailan, sa very successful mall show nila ni Nadine sa Market!Market! last week, abot-langit ang pasasalamat ni James sa lahat ng sumusubaybay sa serye nilang On The Wings Of Love dahil gabi-gabi itong nagte-trending sa social media at lagi ring wagi sa ratings games.

“It’s overwhelming. All the fans from around the world, they watch us on TFC, on iWanTV. It’s really overwhelming. We never expected our first teleserye to be this popular.

We are excited for them to see what happens next,” chika pa ni James.

Read more...