Lani Misalucha pinalakpakan sa version ng ‘Ave Maria’

lani misalucha

Sa lahat ng kinanta ni Lani Misalucha sa kanyang “Harana” concert na ginanap sa Manila Hall ng Hotel de Oriente Convention Center sa Las Casas Filipinas de Acuzar noong Sunday ay pinakatumatak sa audience ang “Ave Maria” piece niya.

The concert staged in cooperation with Full House Asia Production Studios Inc. was a big hit, punung-puno ang venue. “Yes, doon ako pinakakomportable.

That’s where I’m most confortable singing because that’s the proper way of singing, hindi strain ang boses mo, nandoon ‘yung tamang placement ng boses mo.

Hindi ko rin naman masasabi na ‘yun ang pinakapaborito ko but I just love classical music only because siguro nga ‘yun ‘yung naging orientation namin sa bahay na hindi mo nabibigyan ng importansiya when you’re a kid.

Siyempre hindi mo alam na in the future pala ay kakaririn mo,” chika ni Lani sa amin after her concert.
Lani learned to sing “Ave Maria” when she was eight. Ito ang unang natutunan niyang kanta mula sa kanyang ama.

“‘Yun ‘yung nadidinig namin sa bahay, pinapatugtog ng tatay ko, pina-piano niya, maririnig mong kinakanta niya tapos papakantahin kami. Iyon ang dahilan kung bakit naging malapit ang loob ko sa classical music at sa mga kundiman,” say niya.

Bongga ang concert venue, pinaghalong Baroque at Art Deco ang design. Isang henyo si architect Jose Rizalino “Jerry” Acuzar, may-ari ng Las Casas Filipinas de Acuzar na nakaisip na i-restore ang old Spa-nish houses mula sa Pampanga, Ilocos, La Union, Cagayan, Tondo, Binondo at Quiapo.

Mind you, ang daming artifacts na collection si Mr. Acuzar like old furnitures, vintage appliances, mga antigong kagamitan. Meron siyang version ng Escolta buildings dati, merong swimming pool and beach at the same time.

Super na-enjoy namin ang heritage resort na ito. If you have the means, go and visit the place and be awed by its mesmerizing presence. It will surely transform you into a big fan. You will learn how our grandparents lived then and how simple life was before.

Read more...