Piolo excited nang magka-gf si Inigo: At gusto ko na ring magka-lovelife!

piolo pascual

MUKHANG mauunahan pa nga ng Kapamilya teen star na si Inigo Pascual ang kanyang amang si Piolo na magkaroon ng lovelife. Inigo just turned 18 recently at naniniwala ang maraming fans at kaibigan ng binata na posibleng mas mauna pa siyang magkaroon ng girlfriend kesa sa kanyang ama na ilang taon na ring single.

Kung tama ang pagkakaalala namin, ang huli pang naging dyowa ni PJ ay si KC Concepcion. Pero sa isang panayam kay Piolo, sinabi nitong okay lang sa kanya kung maunahan siya ng anak sa pagkakaroon ng girlfriend, sa katunayan excited na raw siyang makilala kung sino man ang magpapatibok ng puso ni Inigo.

“More than the pressure, it’s the excitement for both of us because now that he’s an adult, I can level with him more. So we both go out together, I take him with me, so mas maluwag na for us to level with each other,” ani Piolo.

Hirit pa ni Papa P, “I’m excited for him to have a girlfriend, I’m excited for me to be with someone but ‘yun nga wala pang oras eh, it will come in the perfect time and with the perfect person.”

At ngayong 18 na ang kanyang anak, hahayaan na raw niya itong magdesisyon para as kanyang sarili, lalo na ang tungkol sa lovelife. Ayon pa sa Kapuso leading man, “I never meddle, lalaki naman yan eh and besides I started out in this business and I made my own decisions so you have as a guardian, si Erikson Raymundo (manager of Inigo), nandiyan ang Star Magic, Mr. M (Johnny Ma-nahan), he has his mom as well so kung makikisawsaw pa ako paano na ang desisyon ng bata, ang daming nagde-decide for him,” litanya pa ni PJ.

Isa sa mga ipinapayo lagi ni Piolo kay Inigo ay ang ma-ging matapang sa pagpasok sa mga bagong bagay na matsa-challenge siya, “Sobrang happy ako for him na parang for me I want him to concentrate on what he really wants to do.

“Siyempre hindi mo maiaalis na medyo excited ‘yung bata, na gusto niya gawin lahat but I told him na to try on things na sa tingin niya makakapagpaganda ng ugali niya, para from there if we can hone whatever skills he has, don siya mag-focus,” dagdag pang esplika ni Piolo.

Read more...