NARITO ang dapat n’yong abangan sa pagpapatuloy ng GMA Telebabad series na My Faithful Husband nga-yong gabi. Sasabihin ng doctor na bleeding gums lang ang nangyari kay Aliyah.
Pero ipapa-confine pa rin ito sa ospital. Malalaman nina Emman (Dennis Trillo), Dean (Mikael Daez), at Mel (Jennylyn Mercado) na nag-relapse ito. Mababa ang rate ng survival ni Aliyah.
Windang sina Melanie nang malaman na bumalik ang sakit ni Aliyah. Maninindigan si Mel na hindi mamamatay si Aliyah. Dean asks his tita kung puwedeng i-tuloy ang experimental treatment para sa anak niya.
Sasabihin ni Dean kina Emman at Mel na dadalhin niya si Aliyah sa America para doon ipagamot. Makikita ni Emman kung paano nahihirapan si Aliyah sa mga treatments niya. Aalamin ni Emman kung mabubuhay ba si Aliyah sa experimental treatment, pero malaki pa rin ang chance na mamatay ang kanyang anak.
Aatras si Emman sa pagpayag na dalhin si Aliyah sa ibang bansa. Mapapapayag ni Emman si Mel na sumubok muna ng alternative methods ng pagpapagamot sa Pilipinas.
Gusto pa rin ni Dean ituloy ang pagdala kay Aliyah sa States, at makikiusap si Mel sa kaniya na siya ang kumimbinsi kay Emman. Sisigla si Aliyah sa efforts ni Emman, pero hindi mawawala ang sakit ng bata.
Lalapitan ni Dean si Emman tungkol sa pinag-us-apan nila ni Mel, pero magagalit ito. Samantala, balak namang magbaka-syon ni Dennis pagkatapos ng My Faithful Husband.
Matagal-tagal na rin daw na hindi siya nakakapagbakasyon kaya sasamantalahin niya ang pagkakataon pag natapos na ang MFH.