Magiging BF kaya si Crush (2)

Sulat mula kay Leah Catherine ng San Agustin, Digos, Davao del Sur
Problema:
1. May ka-classmate akong lalaki at crush ko rin siya, ang problema hindi ko alam kung may crush siya sa akin. July 2, 1998 ang birthday nya na tawagin na lang nating Mr. Cancer habang November 16, 1998 naman ang birthday ko. Dati ko na siyang crush at lately lang palagi kong napapansin na siya ay tingin ng tingin sa akin tuwing kami ay nagka-klase, pero hindi naman niya ako kinakausap, kasi may pagkamahiyain siya, pero guwapo, cute, mabait at matalino siya.
2. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa kayang ligawan nya ako at darating din kaya ang tamang panahon na magi-ging boyfriend ko rin siya?
Umaasa,
Leah Catherine Davao del Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) at Cancer naman ang crush mo ay nagsasabing tugma at compatible kayong dalawa, konting papansin lang sa nasabing lalaki, sigurado na ang magaganap, sa bandang huli hindi siya makakatiis – ligawan ka rin niya.
Numerology:
Bukod sa tugma at compatible ang zodiac sign mong Scorpio at zodiac sign na Cancer ng lalaking crush mo, nagkataon ding suwetong-suweto ang birth date mong 16 sa birth date niyang 2, sapagkat kapwa kayo nagtataglay ng planetang “Moon-Neptune”. Ibig sabihin sa sandaling kayo ay nakabuo ng relasyon, ang nasabing samahan ay siguradong mapupuno ng ligaya at romantikong suyuan habang buhay.

Luscher Color Test:
Upang magpatuloy na madevelop at mabuo ang masaya at mainit na ugnayan, lagi kang gumamit ng kulay na berde at pula. Ang nasabing kulay ang lalo pang aakit sa lalaking crush mo upang lalo pa siyang matakam at magka-gusto sa iyo.
Huling payo at paalala:
Leah Catherine ayon sa iyong kapalaran, sa buwang ito ng Nobyembre habang papalapit na ang kaarawan mo, unti-unti ng magpaparamdam sa iyo ang lala-king crush mo, o sa mada-ling sabi ay liligawan ka nya ng dahan-dahan, at paglipas ng dalawang buwan, sa susunod na taong 2016 sa buwan ng Pebrero, saktong magba-Valentine’s day, sasagutin mo na ang lala-king crush mo, upang tuluyan ng mabuo ang isang matimyas, masarao at nakakikilig na relasyon.

Read more...