Dapat umanong magbitiw na sa puwesto si Manila International Airport Administrator manager Angel Honrado matapos na bumagsak ang reputasyon ng airport sa bansa bunsod ng sunod-sunod na insidente ng laglag-bala.
Sinabi ni House Committee on Labor chairman at Davao City Rep. Karlo Alexei na hindi lamang kahihiyan sa Aquino administration sa dulot ng kapalpakan ni Honrado.
“The country’s international airports particularly NAIA is the nation’s window to the world but with these stories of laglag-bala scheme and other extortion rackets at the NAIA, the Philippines is now the subject of worldwide ridicule and Honrado has nobody to blame but himself for his negligence and insensitivity,” ani Nograles.
Ayon kay Nograles wala silang makitang konkretong hakbang na ginawa ni Honrado matapos maisiwalat sa media ang laglag-bala scheme.
“Honrado was contented making excuses for the shenanigans inside the airports he manages. Honrado must be removed if we really want to reform the image of our airports,” dagdag pa ni Nograles.
Makikita umano na marami ang natatakot sa NAIA kaya ibinabalot na sa plastik ng mga dayuhan ang kanilang mga bag.
Para naman kay Abakada Rep. Jonathan dela Cruz na hindi lamang si Honrado kundi maging ang iba pang opisyal na may kinalaman sa seguridad ng paliparan ay dapat na magsumite ng courtesy resignation kahit pa abala ang bansa sa paghahanda sa Asia Pacific Economic Cooperation Leader’s Summit.
“We need to put in an entirely new crew in charge of inspection and security and file charges against those involved in this laglag-bala operation,” ani dela Cruz.
MIAA head dapat magbitiw
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...