Philippine SuperLiga hitik sa aksyon sa 2016

MAMUMUTAKTI ang aksyon sa Philippine SuperLiga (PSL) sa susunod na taon dahil sa dami ng kompetisyon na nakahanay sa liga.

Posibleng maging tatlong kompetisyon sa indoor volleyball sa kababaihan ang mangyari bukod sa dalawang beach volleyball ang balak ilatag ng PSL sa 2016.

Bukod pa ito sa posibilidad na dalawang international tournaments ang pangunahan ng PSL para makumpleto ang programa sa susunod na taon.

“Due to our tremendous success this year, we have decided to treat fans to a year-round of intense volleyball action,” wika ni PSL president Ramon “Tats” Suzara.

Sa Pebrero magbubukas ang PSL sa pamamagitan ng isang Invitationall Tournament. Sa Hunyo naman gagawin ang All-Filipino Conference at ipaparada rin sa torneong ito ang mga bagong mukha mula sa UAAP at NCAA.

Ang Grand Prix ay sisimulan sa Oktubre na katatampukan uli ng mga imports habang ang mga beach volleyball events ay gagawin sa Mayo at Disyembre.

Ang AVC Asian Women’s Club Championship ay gagawin sa bansa at pangungunahan ng PSL habang ang isa pang mas malaking international tournament na gagawin sa 2016 ay ang FIVB World Women’s Club Championships.

Dahil sa pinaigting na kalendaryo ay nagbabalak ang liga na bigyan na ng isang taong kontrata ang mga manlalaro sa liga at magreresulta ito sa pagbabawal sa mga ito na maglaro sa ibang volleyball leagues.
“Rest assure that we will double what we have achieved this year. We’re doing these for the love of volleyball,” dagdag pa ni Suzara.

Read more...