Naiintindihan ni Sen. Grace Poe ang pagsuporta ng mommy ni Heart Evangelista sa makakalaban niya sa pagkapangulo na si Sen. Miriam Defensor Santiago.
Kahit pa running mate niya ang mister ni Heart na si Sen. Chiz Escudero, aminado si Grace na mas malapit si Cecile Ongpauco sa katunggaling si Miriam.
“I understand her sentiments. I only met her maybe a month ago, samantalang matagal na niyang kilala at mentor niya si Senator Miriam,” ani Grace.
Ginawa ng anak nina FPJ at Ms. Susan Roces ang paglilinaw pagkatapos dumalo ang mommy ni Heart sa “meet and greet” event ni Miriam sa UP noong Oct. 26.
Ganu’n pa man, hindi naman nababahala si Chiz kahit na nagpahayag ng suporta ang kaniyang biyenan sa katunggali ng kaniyang ka-tandem na si Grace.
Sabi ni Chiz, susuyuin na lamang nila ni Heart si Cecile upang suportahan si Grace para sa 2016 election. “Friendships and relationships go beyond politics.
While I respect the position of Heart’s mother, who is admittedly very close to Sen. Miriam, it will not deter me and Heart from trying to convince her to support Sen. Grace,” sabi ni Chiz.