Sulat mula kay Leah Catherine ng San Agustin, Digos, Davao del Sur
Dear Sir Greenfield,
May ka-classmate akong lalaki at crush ko rin siya, ang problema hindi ko alam kung may crush siya sa akin. July 2, 1998 ang birthday nya na tawagin na lang nating Mr. Cancer habang November 16, 1998 naman ang birthday ko. Dati ko na siyang crush at lately lang palagi kong napapansin na siya ay tingin ng tingin sa akin tuwing kami ay nagka-klase, pero hindi naman niya ako kinakausap, kasi may pagkamahiyain siya, pero guwapo, cute, mabait at matalino siya. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa kayang ligawan nya ako at darating din kaya ang tamang panahon na magiging boyfriend ko rin siya?
Umaasa,
Leah Catherine Davao del Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May guhit na umangat, pasangang-pataas mula sa Heart Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa pag-ibig, sa pakikipag-relasyon at sa lahat ng aspetong may kaugnayan sa damdamin may pangako ng isang masaya at masarap na relasyon habang ikaw ay nagdadalaga.
Cartomancy:
Jack of Hearts, Two of Hearts, at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa susunodn na taong 2016 sa buwan ng Pebrero may isang mainit at masayang relasyon ang unti-unting mabubuo.
Itutuloy…