Sulay mula kay Edwin Pandol, Corella, Bohol
Problema:
Dear Sir Greenfield,
Taong 2013 nang grumadweyt ako ng kursong Marine Transportation. Mula noon ay masipag naman akong mag-aplay para makasampa sa barko, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapalad na makasampa. Kaya nga naisipan kong sumangguni sa inyo. Kumpleto naman ako ng mga papeles at marami na rin akong training na na-attenan, pero bakit kaya hanggang nga-yon ay hindi pa rin ako tinatawagan ng agency ko? Sa palagay n’yo may pag-asa pa kaya akong makapag-barko at kung may roon pa kailan naman kaya ito matutupad? April 14, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Edwin ng Corella, Bohol
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing sa tulong ng isang kaibigan o kakilalang isinilang sa zodiac sign na Sagittarius ay may isang mabiyaya at mabungang pag-aabroad na itatala sa i-yong kapalaran sa pagbu-ngad na pagbungad pa lang ng taong 2016.
Luscher Color Test:
Upang lalong maging paborable sa iyo ang kapalaran at siguradong ma-tuloy ka nang makapag-seaman, lagi kang magsuot ng kulay gray at pula. Ang mga nasabing kulay ang magbibigay sa iyo ng mas marami pang positibo at magagandang kapalaran.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabing sa sandaling nakapag-abroad ka, tuloy-tuloy na iyon at walang tigil hanggang sa bandang huli ikaw ang magsawa. Dahil tulad nang nasabi na— ang nakatakda sa kapalaran mo ay maramihan at pabalik-balik na pagbabarko.
Huling payo at paalala:
Edwin, ayon sa iyong kapalaran, sigurado na ang magaganap basta ituloy mo lang nang ituloy ang iyong lakad at pagpa-follow-up ng iyong mga papeles dahil tiyak na ang magaganap. Tulad ng nasabi na, sa taong 2016 sa tulong ng isang kaibigang Sagittarius na isa ring seaman, matutuloy ka na sa pagbabarko. At sa pagbabarkong ito, mabilis na uunlad ang in-yong kabuhayan hanggang sa tuluyan kang yumaman.