MAGANDANG araw sa Aksyon Line.
July 24 , 2015 nang mamatay ang aking asawa. Siya po ay namatay dahil sa heart problem. Namatay po ang aking asawa habang nasa trabaho. Nakuha ko na po ang benipisyo sa SSS para sa pagpapa-libing, pero hindi siya kwalipikado sa monthly pension.
May lima kaming anak. Sa ngayon ay tinutulungan naman ako ng aking kapatid kahit paano at nagtayo kami ng maliit na tindahan, pero hindi naman ito sapat. Nag-file na ako ng claim noon pang August 10 sa SSS dahil sinasabing may makukuha akong claim dahil namatay ang asawa ko habang nasa trabaho.
Makailang beses na akong nag-follow sa SSS pero hanggang sa ngayon ay wala pa ring resulta. Malaking tulong ang makukuha kong benipisyo sa ECC para maipagpatuloy ko ang pag-aaral ng aking mga anak.
Ano po ang dapat kung gawin? Sana ay matulungan ninyo ako sa aking katanungan.
Sumasainyo,
Lina Torres
REPLY: Para sa iyong katanungan, Gng. Torres. Kung nakapag-file na ng claim sa SSS ngunit hanggang ngayon ay wala pang kasagutan ay maaaring lapitan ang aming tanggapan—ang Employees Compensation Commission (ECC)— para isangguni ang iyong reklamo.
Ang SSS ang implementing agency na maaaring mai-follow up ang iyong claim subalit kung hanggang sa nga-yon o ilang buwan na ang nakalilipas ay wala pa ring sagot ang SSS ay pinapayuhan si Gng. Torres na magpunta sa a-ming tanggapan at dalhin ang mga kinakailangang dokumento.
Ang aming tanggapan ay matatagpuan sa ECC building, 355 Sen Gil J. Puyat ave., Makati City.
Kung mapapatunayang work-related o may kaugnayan sa trabaho ang dahilan ng pagkamatay ng iyong mister ay maaaring makakuha ng EC funeral at monthly pension.
Ang mga benipisyong ito ay ibinibigay sa mga benificiaries ng isang manggagawa na ang kamatayan ay may kinalaman sa trabaho.
Ang death benefit ay dapat din na ibigay sa mga beneficiaries kung ang dahilan ng pagkamatay ng manggagawa ay sanhi ng kumplikasyon o natural na pangyayari sa kanyang compensated permanent total disability
Atty. Jonathan
VillaSotto
Deputy Director
Employees Compensation Commission (ECC)
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.