MARIING itinanggi ni Alden Richards ang balitang may isang presidential candidate na nag-offer sa kanya ng P100 million kapalit ng pag-eendorso niya rito para sa 2016 elections.
Sa isang panayam, natanong ang Pambansang Bae hinggil dito, at diretso niyang sinabi na wala siyang ikakampanyang kandidato sa darating na eleksiyon at wala silang natatanggap na offer ni Maine Mendoza mula sa kahit anong political party.
“Hindi po totoo yun. Wala pong lumapit to offer that much money,” pahayag ng sikat na sikat na ngayong Kapuso matinee idol.
Dagdag pa ni Alden, “Ako po, personally, I really don’t want to endorse po. Kasi, kumbaga, let them be. Iba po ‘tong showbiz sa politics. I don’t wanna mix it po.”
Aniya pa, “Personally, the management din po, may mga offers din po before, du-ring first two months ng AlDub. There have been offers to endorse political party or poli-tical person. Pero sinabi ko po na baka puwedeng dito na lang tayo sa showbiz mag-concentrate, not the other side po.”
Hirit pa ng ka-loveteam ni Yaya Dub, kahit daw siguro bayaran siya ng P100 million o P200 million ay hindi pa rin siya mag-eendorso ng politiko sa 2016.
Samantala, nagpiyesta na naman ang milyun-milyong fans ni Alden matapos maba-litang certified Platinum Record na ang self-titled album ng Pambansang Bae.