BF niya, BF ko | Bandera

BF niya, BF ko

Pher Mendoza - October 30, 2015 - 03:00 AM

HI Manang Pher!

Ako po si Isha. may bf po ako. Yung BF ko ay siya namang ex ng MORTAL ENEMY ko. Simula pa lang po ng panliligaw ng BF ko ay alam ko na ang ex niya ay ‘yung enemy ko. Sa una po ay nagdadalawang-isip po akong sagutin siya kasi ayaw ko talaga ng gulo. Pero nadala po kasi ako sa pagiging sweet niya kaya po sinagot ko siya.

Kaya po nung malaman ng mortal enemy ko na kami na ng ex niya, inaway niya po ako at sabi niya ay hindi pa raw sila naghihiwalay ng BF ko at pinaglalaruan lang daw po ako ng BF ko. Ayaw ko pong maniwala sa kanya kaya tinanong ko yung BF ko, sabi niya hindi raw totoo. Ano po ba ang gagawin ko, manang? Hihiwalayan ko po ba yung BF ko para wala na lang gulo?
Isha

Hi Isha, talagang ALL CAPS ang MORTAL ENEMY ha. Okay, na-feel ko na talagang ‘archnemesis’ mo ang taong ito ha…

Tatanungin kita, sure ka ba na gusto mo ang BF mo o baka naman nadala ka lang dahil gusto mo ding pasakitan ang ex niya, ergo your mortal enemy?

I just want to know kung sinagot mo ba ang BF mo dahil love mo siya o dahil nadala ka lang talaga sa pagiging sweet niya?

Ang sa akin, bakit mo siya igi-give up easily kung si-gurado ka sa nararamdaman mo sa kanya? Hindi ba dapat linawin mo sa kanya kung totoo ito? Sino ang mas paniniwalaan mo, ang BF o ang kaaway mo?

Hindi ba dapat patunayan sa iyo ng BF mo na tapat siya at ikaw talaga ang gusto niyang maging GF?

On hindsight, I hope magkaayos din kayo ni “mortal enemy.” Hija, life is too short to be angry or hateful. Maybe try to find in your heart to forgive so you can move forward and be happy.

Trust me, hindi masarap sa pakiramdam ang may kaaway. You don’t actually need her forgiveness, you just need to forgive and put everything behind you. If she says sila pa rin, pero naconfirm mo naman na hindi pala ito totoo, then you just have to ignore her. Bigyan mo si BF ng benefit of the doubt, sinagot mo s’ya for a reason.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending