DININIG ng korte sa Dubai ang ginawang panghahalay sa isang Pinay domestic worker doon.
Ayon sa ating OFW, naghihintay siya ng taxi pauwi sa kanyang tinutuluyan nang may isang lalaking nag-alok sa kanyang sumabay na lamang sa kanyang sasakyan at bayaran na lamang siya kung magkano ang ibi-nabayad din niya sa taxi.
Buong tiwala namang tinanggap ng OFW ang alok ng dayuhan.
Sa di kalayuan, isa pang lalaki ang dinaanan nila at pinasakay din sa kotse.
Dinala anya siya sa isang villa at doon paulit-ulit na ginahasa. At ma-ging ang security guard ng lugar ay naki-halay na rin sa kanya.
Matapos ang naturang pang-aabuso, saka siya i-binenta sa isang babae upang gawing prostitute.
Doon nakatakas ang naturang Pinay at kaagad nakapagsumbong sa mga kinauukulan.
Nahuli ang dalawang suspek at sinampahan ng kasong kidnapping at rape. Ilalabas ang desi-syon ng korte ng Dubai sa November 17, 2015.
Mabilis maglabas ng desisyon ang korte ng Dubai. Kaagad nalala-patan ng kaparusahan ang matagpuang nagkasala.
Hindi na bago ang ganitong insidente na sinapit ng kababayan na-ting Pinay, kaya nga patuloy pa rin tayong nagbibigay babala sa ating mga kababayan sa iba’t ibang bahagi ng mundo na wag masyadong mapagtiwala.
Hindi sana nangyari ito sa ating OFW kung naging matalino lamang siya at hindi kaagad sumama sa naturang lalaki.
Mga bata pa tayo, palaging sinasabi ng mga nakatatanda: “Don’t talk to strangers”.
Gayong pareho silang dayuhan sa bayang iyon, hindi rin dapat na agad magtiwala sa anumang alok.
Ganito rin halos ang nangyari kay Doris, isang OFW na halos masiraan ng bait matapos itong gawing sex slave sa isang bansa sa Middle East.
May nag-alok sa kanya ng mas magandang trabaho at hindi na bilang isang domestic helper. Hindi na nag-isip si Doris. Agad sinunggaban ang alok at iniwan niya ang kanyang employer.
Hindi niya alam na i-binenta na pala siya sa isang casa (brothel) doon at ikinulong sa isang kuwarto bilang isang prostitute.
Hindi na niya mabilang ang mga lalaking customer na pumapasok sa naturang kuwarto sa araw-araw. Lahat ng kita, napupunta lamang sa mga dumukot sa kanya.
Wala na ring maisip na ibang paraan upang makatakas si Doris kung kaya’t tumalon ito mula sa ikatlong palapag ng naturang gusali.
Doon siya nasaklolohan ng isa ring kababayan at dinala sa ating embahada.
Bali-bali ang katawan nito dahil sa tinamong mga sugat sa kaniyang pagbagsak. Ang matindi pa, hindi niya kayang umuwi sa kaniyang asawa at mga anak.
Itinago na muna ng isang NGO (non-government organization) ang naturang Pinay hanggang sa dumating ang araw na malakas na ito at kaya nang harapin ang kaniyang pamilya.
Malungkot na mga kuwento ng pag-aabroad. Maaaring hindi nila ginusto ngunit dahil sa mahinang pagdedesisyon, iyon rin ang siyang nagpahamak sa kanila.
Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM (M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW Website: bantayocwfoundation.org E-mail: bantayocwfoundation@yahoo.com/ susankbantayocw@yahoo.com
Bantay OCW Foundation satellite office: 3/F, 24H City Hotel, 1406 Vito Cruz Extension cor. Balagtas St., Makati City Tel: +632.899.2424