NAG-EXPLAIN si Judy Ann Santos sa kanyang fans na nag-alala sa kumalat na litrato niya sa social media habang nakabaligtad.
Sey ng misis ni Ryan Agoncillo, safe naman daw sa mga buntis na tulad niya ang ginagawa niyang headstand, may nagbabantay din daw sa kanyang eksperto habang ginagawa niya ang ganu’ng exercise.
“Para po sa mga nagtatanong at nag-aalala. Hindi bago sa buntis ang pag heheadstand. It is totally safe most specially kung suhi ang baby. The pose alone allows the baby to move to its proper position. But of course when doing headstands you must be supervised by professionals.:)
“Hindi ko po sya ginawang mag isa, don’t worry, but thanks for the concern. Nakakataba ng puso. #pregnantandstrong,” ayon pa sa IG post ni Juday. Babae ang ipinagdadalang-tao ngayon ng aktres na papangalangan nila ni Ryan ng Juana Luisa.