PATULOY pa rin ang pagpapakalat ng good vibes at kilig nina Alden at Yaya sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Dahil araw-araw ngang top trending topic worldwide ang mga AlDub hashtags, balita na rin ito sa mga international news websites.
Isa na nga riyan ang website ng BBC News, ang bbc.com na siyang public-service broadcaster ng United Kingdom (counterpart ng CNN sa US), kung saan tinagurian nitong global phenomenon ang loveteam nina Alden at Maine.
Ang writer na si Heather Chen ang sumulat ng artikulong “AlDub: A social media phenomenon about love and lip-synching,” kung saan inisa-isa ang dahilan kung bakit nagtagumpay ang AlDub loveteam at kung bakit naging global phenomenon ang kalyeserye.
“And it isn’t just the local fans. US politicians and even alternative rock bands, have declared their love for the show and its young stars,” sabi pa sa artikulo.
Bukod dito, tinalakay din sa nasabing artikulo ang pagiging third fastest-growing celebrity sa Twitter ni Maine, “after US singers Taylor Swift and Katy Perry.”
Pati ang Pinoy BBC presenter na si Rico Hizon ay self-confessed AlDub fan, “They appear very down-to-earth. I believe that one big reason they are so popular is because the actors are very humble despite their massive success—they keep thanking fans as well as everyone who supports their work.”
Samantala, ayon sa isang source bukod sa MMFF 2015 entry nina Alden at Maine at ilan pang bagong commercials, hinahanda na rin ng GMA 7 ang bagong teleserye ng Pambansang Bae.