Chiz hindi isusuko ang laban sa nanay ni Heart

CHIZ ESCUDERO AT HEART EVANGELISTA

CHIZ ESCUDERO AT HEART EVANGELISTA

HINDI nababahala si Sen. Chiz Escudero kahit na nagpahayag ng suporta ang kaniyang biyenan na si Cecile Ongpauco kay Sen. Miriam Defensor Santiago sa halip na sa running mate niyang si Sen. Grace Poe.

Nilinaw ito ni Chiz pagkatapos dumalo ang nanay ng misis na si Heart Evangelista sa “meet and greet” event ni Miriam sa UP noong Lunes. A-minado si Chiz na “very close” ang biyenan at si Sen. Miriam pero kumpiyansa siya na makukumbinsi rin nila ni Heart ito upang suportahan ang ka-tandem na si Grace para sa 2016 election.

“Friendships and relationships go beyond politics. While I respect the position of Heart’s mother, who is admittedly very close to Senator Miriam, it will not deter me and Heart from trying to convince her to support Sen. Grace,” say ni Chiz sa Facebook na may kasama pang hashtag na? #?KeriYan.

Alam ng mister ni Heart kung paano suyuin ang biyenan dahil minsan na rin silang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa simula ng relasyon nila ni Heart.

Read more...