Sam Pinto nagtataka kung bakit usad-pagong ang career sa GMA

SAM PINTO

SAM PINTO

HAPPY naman daw si Sam Pinto sa nangyayari sa karir ngayon ni Alden Richards at aminado rin siyang big fan siya ng tambalang Aldub.

Minsan ding na-link si Sam sa guwapong aktor at naging close rin naman sila before. Biniro namin siya na siguro’y hindi lang sila “meant for each other” kaya hindi rin nagbunga ang nasimulan nila before, kaya natatawang sumagot ang ma-ganda at seksing aktres.

“Naku, friends lang talaga kami. Bata pa si Alden at ate niya lang ako no! I’m just happy for him kasi nagbunga na rin yung kasipagan at pagiging very patient niya,” sey ng aktres na pinanghihinayangan ng marami kung bakit hindi pa nagiging big star, despite her beauty, talent and oozing sex appeal.

Galing din sa reality search na Pinoy Big Brother si Sam at inakala nga ng lahat noon na paglabas niya sa bahay ni Kuya ay magiging big star siya. Incidentally, nagtataka rin daw si Sam kung bakit wala siyang natanggap na imbitasyon man lang sa sinasabing reunion ng PBB housemates on its 10th year celebration.

Pero okey lang naman daw yun sa kanya dahil ang mas importanteng tanong daw na gusto niyang masagot ay kung bakit usad pagong ang kanyang showbiz career?

“Kahit ako rin po nagtatanong,” diretso pang hirit ni Sam nang makausap namin sa presscon ng horror movie na “Maria Labo”, ang latest movie project ng Viva Films.

Hindi raw siya exclusive sa GMA 7, pero grateful siya na identified siya bilang Kapuso artist, “Bakit nga ba ganu’n? Parang naiinip na rin ako,” segue pa nitong tanong sa isyu kung bakit nga hindi pa niya ma-achieve ang full stardom gayung kumpletos-rekados naman siya para maging isang big star.

Kaya naman mabilis ang naging tugon ni Roi Vinzon, ang direktor nila sa “Maria Labo” na mayroon na siyang materyal para mabigyan ng solo project si Sam very soon.

Maganda naman daw ang ipinakitang performance ni Sam sa pelikula nila, sabi ni direk Roi. Ang “Maria Labo” ay tungkol sa urban legend na sumikat noon sa Visayas at Mindanao tungkol sa isang OFW na naging aswang at kinatakutan ng kanyang mga kapitbahay at kabarangay.

Bukod kay Sam Pinto, kasama rin sa pelikula ang bida at producer nitong si Kate Brios bilang si Maria Labo, Dennis Padilla, Jestoni Alarcon, Baron Geisler, Mon Confiado, Migz Cuaderno at marami pang iba. Showing na ito sa Nov. 11 under Viva Films.

Read more...