Petron target ang ikalimang panalo kontra RC Cola

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
4:15 p.m. Foton vs Cignal
6:15 p.m. RC Cola-Air Force vs Petron
Team Standings: Cignal (5-1); Philips Gold (4-1); Petron (4-2); Foton (2-3); RC Cola-Air Force (1-4); Meralco (0-5)

DUGTUNGAN ang magandang panalo sa huling laro ang nais ng Petron habang babangon ang Cignal mula sa bangungot sa huling laro sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix women’s volleyball tournament ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang nagdedepensang kampeon Lady Blaze Spikers ay makakalaban ang RC Cola-Air Force sa ikalawang laro na magsisimula matapos ang bakbakan ng HD Lady Spikers at Foton Tornadoes sa ganap na alas-4:15 ng hapon.

Nangunguna pa rin ang Cignal pero nadungisan ang dating malinis na karta nang tumaob sila sa Petron sa pagsisimula ng second round elimination, 25-16, 14-25, 25-17, 22-25, 15-13, noong Martes.

Patuloy ang magandang ipinakikita ng mga imports na sina Ariel Usher at Amanda Anderson na mayroong 26 at 20 puntos pero kinulang sila ng suporta para sa 5-1 karta.

Kailangang bumalik ang liksi ng Cignal dahil inspirado ang Tornadoes matapos putulin ang tatlong sunod na kabiguan sa pamamagitan ng 25-14, 25-13, 25-16 straight sets tagumpay sa Raiders.

Asahan din na palaban ang Petron para maisulong ang 4-2 karta at itulak ang Raiders sa ikalimang sunod na pagkatalo sa anim na laro at malagay sa peligro ang paghahabol sa apat na puwesto na magpapatuloy ng kampanya sa ligang inorganisa ng SportsCore katuwang ang Asics at Milo bukod sa suporta ng Mikasa, Senoh at Mueller at napapanood sa TV5.

Read more...