NAPANOOD namin ang ilang parts ng “Everyday I Love You” ng Star Cinema the other night sa Dolphy Theater just right before my “Mismo” program sa DZMM.
Kasama ko ang anak-anakan kong si Michael Pangilinan na nanood dahil he sang “It Might Be You” na siyang official theme song ng film that stars Liza Soberano, Enrique Gil and Gerald Anderson, directed by Mae Cruz-Alviar. Oh my gosh! What a beautiful film indeed!
Nakaka-impress ang mga shots ni Direk Mae – relate na relate ang marami sa love triangle nina Liza, Enrique and Gerald – mga kilig moments na nakakatuwa and whew! Hanep pala umarte itong si Liza, she’s a natural actress.
I must say that amongst her contemporaries, she is the best. Napakahusay umarte ng batang ito – hindi pilit. Walang effort at napakabilis tumulo ng luha sa ibang mga eksena. And gosh again – what a beautiful face. Classic beauty.
Napakaganda talaga – SOBRA! Kaya pala napakaraming gusto siyang ligawan sa tunay na buhay, kasi nga, walang kasing-ganda. Iba ang beauty niya – di nakakasawa. Yeah, nakita ko na siya nang personal nang ilang beses, one was during her guesting sa “Mismo” program namin ni Papa Ahwel Paz sa DZMM many months ago.
Kahit walang make-up ang bata maganda talaga. Super! Anyway, kahit hindi ko talaga type si Enrique sa totoong buhay, I must say too na he delivered in the movie – maliban sa guwapo talaga siya at flawless, magaling ding umarte.
Magandang team-up sila ni Liza, perfect kumbaga! Nagku-compliment sila sa husay sa pagganap kaya mararamdaman mo na parang totoong magsyota talaga sila. Tuwang-tuwa ako sa film, bihira kasi akong manood ng local films dahil kadalasan puro ka-echosan lang.
But this one I am telling you that it is soooo cute and impressive. After ng film showing sa Dolphy Theater ng ABS-CBN that night, napadaan sa DZMM program namin sina Tita Marita Zobel, Tita Marissa Delgado and Direk Mae.
Biniro namin si Direk kung istorya ba ng buhay niya ang ginampanan nina Liza, Enrique and Gerald?
“Nangyari na rin sa buhay ko iyan long time ago and I may say na in a way yes. Hindi naman ang buong story.
Yung anggulo lang ng love triangle. Ha-hahaha! Kailangan kasing meron ka ring pinaghuhugutan kahit paano. Pero it’s just a story and thank you for appreciating my work. Medyo nahirapan nga ako sa movie na ito dahil napaka-sensitive ng story.
I am just blessed to have good actors in the movie. “Bago pa man kami nagsimula, I made sure na makaka-adapt ang mga actors ko sa kanilang mga characters. Na-internalize nila nang husto ang characters nila before I started filming,” ani Direk Mae.
It’s a MUST-SEE movie. I highly recommend this to e-veryone. Bihira lang tayo nakakatunghay ng matinong pelikula na puno ng kilig, maganda ang istorya at mahuhusay ang mga nagsisipagganap plus napakagaling ng direktor para pagkumpunihin ang lahat-lahat.
Umalis ako ng theater na punumpuno ng ngiti. It sent us real GOOD VIBES. Bravo!