Payo kay Angel: Magpakasal na agad kay Luis!

luis manzano

TULUYAN nang tinalikuran ni Angel Locsin ang muling paglipad sa pelikula. Hindi na gagawin ng aktres ang “Darna” for health reasons according to her. Siyempre, iba-iba ang reaksyon diyan ng fans at kritiko ni Angel.

Pero para sa amin we saw na magandang opportunity ‘to para mapahinga muna si Angel at mag-focus naman sa kanyang personal life as in lovelife, huh! Maybe this is a sign na it’s about time na mag-level-up na ang relasyon nila ng boyfriend niyang si Luis Manzano.

Tamang-tama dahil malapit nang matapos ni Angel ang movie nila ng mommy ni Luis na si Batangas Gov. Vilma Santos, ang “All Of My Life.” Since umayaw na siya na gawin ang “Darna,” mukhang mababawasan ang kabisihan ni Angel next year.

And it’s the perfect time para planuhin ang wedding nila ni Luis. Last time na nakausap namin si Gov. Vi sa Capitol Mansion after she filed her certificate of candidacy bilang Congresswoman ng Lipa, pinuri-puri namin ang ipinagawa niya na Star Toll from Calamba exit to Batangas City.

Dahil daw sa mabilis na ang pagpunta sa Batangas kaya marami ang nagpapakasal sa kanilang bayan. Biniro namin si Gov. Vi kung ang susunod na ikakasal sa Batangas ay malapit sa puso niya.

“Ah, ewan ko. Wala pa akong alam diyan. Ha-hahaha! At saka kung sinuman ang ikakasal manggagaling sa kanila ‘yun,” sabi ng actress-politician. Ni-request pala ni ate Vi sa Managing Director ng Star Cinema na si Malou Santos na kung maaari ay early next year na ipalabas ng “All Of My Life” kung saan makakasama rin nila ni Angel si Xian Lim.

“Oo, kasi ayokong madaliin ‘yung movie. Unang-una, talagang weekend lang ako nakakapag-shooting. Kung minsan pa napapa-pack-up kapag sobrang…katulad nito, sunud-sunod ang activity dito (sa Batangas).

Paano mo makokontrol, filing ngayon. Kailangan ko ring tulungan ‘yung ibang mga kandidatong kasama mo. E, that’s pagod. So, the next day, minsan ‘yung schedule nila nakukuha,” lahad niya.
“Pumayag naman sila na tatargetin namin ‘yung January, next year.

Sana opening salvo ng Star Cinema for 2016,” wish ni Gov. Vi. Nakakapagtsikahan na raw sila ni Angel sa set. Hindi na raw sila pinagbabawalan ng direktor nila na si Joyce Bernal na makapag-usap unlike nu’ng first shooting days nila.

Nire-rehearse sila separately ni Angel sa mga unang eksena nila, same thing with Xian. At take one daw agad ang eksena nila ni Xian, huh! “Oo, ganoon ang ginawa ni Direk Joyce Bernal. Tapos ngayon we’re more…si Xian ‘di ba siya ‘yung naging guest namin sa Alay-Lakad? Sobra-sobrang salamat sa kanya, kay Mr. M (Johnny Manahan).

Alam mo sakripisyo ‘yun, 4 a.m. gising ka na. Kailangan nandito ka na ng 6, ‘di ba?” Nakadalaw na raw ang anak niya at boyfriend ni Angel na si Luis sa set ng “All of My Life,” “Nag-aagawan kami ni Angel, ‘San ka Anak?’ Ha-hahaha! ‘Anak, dito ka muna kay Mommy.’ Tapos punta naman siya sa kwarto ni Angel.”

Dagdag pa niya, “Biruin mo dalawa ‘yung dinadalaw niya. Pero naisip ko bandang huli, ‘Baka nakikiagaw ako ng eksena? Nanay lang….nanay ako na nandito pakialaman ko pa ‘yung dalawang lovebirds, ‘di ba? Ha-hahaha!”

Siyempre, proud si Gov. Vi sa kanyang anak especially as a TV host. Dami nga raw naka-line-up na shows sa ABS-CBN si Luis. Una na ang Family Feud at ang pagbabalik ng Pilipinas Got Talent.

Pero hindi raw dahil sa kabisihan ni Luis kaya hindi na papasok sa politika ang kanyang anak.
Marami naman ang nagulat when Luis’ father Edu Manzano ang biglang nag-file ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa Comelec para tumakbong Sendaor sa 2016?

“Nagulat nga rin ako, e. Kayo ba alam ninyo? Well, lahat naman may karapatan. Lahat naman may karapatang magsilbi. Si Edu may background na rin, ‘di ba? So, goodluck to all of us.”

Read more...