Romualdez nagpasalamat sa mga nag-endorso sa kanyang senatorial bid; mananatiling independent

Ferdinand-Martin-Romualdez-660x495
Susuportahan umano ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang sinumang kandidato sa pagkapangulo at bise presidente na alinsunod sa kanyang mensahe na pagmalasakitan ang mga Filipino.
Ito ang sinabi ni Romualdez kasabay ang pasasalamat sa mga personalidad na nagpahayag ng suporta sa kanyang pagtakbo sa pagkasenador sa 2016 polls.
“I stand by my earlier statements that I would be supportive of any Presidential and Vice-Presidential, individually or as tandem, and any other candidate for other elective positions whose vision is consistent with my “malasakit” message,” ani Romualdez.
Nauna ng nagpahayag ng pagsuporta kay Romualdez si dating Pangulo at ngayon at Manila Mayor Joseph Estrada na sinundan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Sinusuportahan din siya ng tambalang Sen. Miriam Santiago at Sen. Bong Bong Marcos.
Si Romualdez at kasama rin sa senatorial lineup ng tandem nina Vice President Jejomar Binay at Sen. Gringo Honasan ng United Nationalist Alliance.
“Their show of faith and confidence in me only serves to strengthen my resolve to continue to serve our country to the best of my abilities and my ‘malasakit’.”

Read more...