Heart, Chiz tuluy-tuloy pa rin ang Honeymoon

heart evangelista

KAHIT busy sa pulitika, hindi pa rin kinakalimutang sorpresahin ni Sen. Chiz Escudero ang kaniyang misis na si Heart Evangelista.

Tuwang-tuwa si Heart nang bisitahin siya ng mister sa set ng Beautiful Strangers sa isang lugar sa Quezon City kamakailan. Ipinost pa ni Heart sa Instagram ang litrato nila ni Chiz habang nakikipag-bonding sa kanya at ilan pa niyang kasamahan sa set ang senador.

“Hahaha! Huli cam! Thanks Direk LA for this candid shot! 🙂 my hubby visiting the set:) he surprised me,” sabi ni Heart sa caption ng nasabing larawan.

Kandidato bilang bise presidente si Chiz at ka-tandem nga niya sa 2016 elections si Sen. Grace Poe kaya inaasahan nang magiging super busy ang mister ng Kapuso actress sa darating na campaign season.

Hindi pa nga raw nag-uumpisa ang kampanya ay tinatawag ng “busy bee” ni Heart ang mister dahil sa sobrang hectic ng schedule nito. Ganu’n pa man, sinisiguro pa rin ni Chiz na may time silang mag-date ng asawa.

Nanood pa nga sila ni Heart ng obra maestra ni Jerrold Tarog na “Heneral Luna” kamakailan, ayon kay Chiz. Ibig sabihin, tuloy pa rin ang Ho-neymoon stage ng mag-asawa sa kabila ng kanilang kabisihan.

Anyway, mas lalo pang titindi ang mga susunod na eksena sa GMA Telebabad series na Beautiful Strangers kaya huwag na huwag na kayong bibitiw. Kasama pa rin ni Heart dito sina Lovi Poe, Rocco Nacino, Benjamin Alves, Boyet de Leon, Dina Bonnevie at marami pang iba.

Speaking of Rocco, after nitong i-represent ang Pilipinas sa Asian Jiu-Jitsu IBJJF Championship, muling bumalik ang aktor sa Japan but this time, para naman i-represent ang kanyang “Balut Country” movie sa 28th Tokyo International Film Festival.

Read more...