DI ko alam kung bakit sobra ang excitement ko sa showing ng pelikulang “Everyday I Love You” ng Star Cinema today. I’m not a fan of Enrique Gil – yes, I appreciate the beautiful face of Liza Soberano, iba ang ganda niya.
Kung fashion designer lang ako or ta-lent scout sa mga beauty contest, malamang na inetching ko na ang batang iyan para sumali sa Bini-bining Pilipinas at tiyak na iuuwi niyang ang international or world title.
She has the IT – may dating na bata talaga. Mind you, na-admire ko lang ang beauty niya, ha. Di ako tomboy. Not even an inch. Ha-hahaha! Between her and Enrique, siyempre doon pa rin ako sa small specie kahit hindi ako fan ni Enrique. Ha-hahaha!
Anyway, maganda raw kasi ang story ng movie na ito and it features the City of Smiles – Bacolod. Neighbor kasi ng hometown kong Iloilo ang Bacolod and pareho kami ng dialect kaya merong soft spot sa akin ang movie.
Maybe i-yon ang isa sa mga dahilan kung bakit ako excited. Alam niyo naman ako – may pagka-regional.
And also maybe because the guy who sang the theme song ay baby ko – sino pa, eh di si Michael Pangilinan.
Yes, he sang “It Might Be You” na ginamit na official theme song ng “E-veryday I Love You”. Napakaganda ng music video ng kantang ito ni Michael (a Stephen Bishop original) – ganda ng hagod niya.
“Dalawang beses namin nai-shoot iyon. Maganda naman yung una pero mas maganda siyempre yung pangalawa. Mas may puso. Yung una kasi, rush-rush lang iyon kasi we had to meet a deadline.
Pero nang magka-chance kami, inulit ko talaga iyon – we really took a little time out para mag-reshoot. Photofinish lang yung una namin – pinresent lang sa executives ng Star Cinema.
“Pero nu’ng second shoot namin, comfortable na kasi di naman kami masyadong nagmamadali. Nag-overlap lang sa sked ko kasi pero happy kami sa results,” ani Michael who’s doing some rounds of radio, TV and live promo guesting for the movie theme song.
Ganda ng trailer ng “E-veryday I Love You”, galing din ni Gerald Anderson who plays the boyfriend of Liza bago ito napunta kay Enrique.
Good luck sa “Everyday I Love You”, a must-watch movie this season. Directed by May Cruz-Alviar.