HI po! I’m Liah ng Boracay, Malay, Aklan at 16 years old. May ex po ako. Pero siya po ang nakipag-break nang walang dahilan. Ang mas masakit ay nang kausapin ko siya “wala lang daw”. At kahit wala na kami ay patuloy pa rin niyang sinasabi sa barkada niya na kami pa. Tapos, bakit ganoon po sa tuwing makikita niya ako ay iniiwasan po ako kaya di ko po lubos- maisip na baka may gusto pa siya sa akin.
Ano po ba ang dapat kong gawin para makalimutan ko siya?
At ano rin po ang ibig sabihin ng mga ipinapakita niyang pag-iwas? Maraming salamat po at sana paunlakan n’yo ng pansin ang aking kwento at maging ang dapat kong gawin….8467
Hello Liah ng Boracay. Thank you sa pagbabahagi mo sa amin ng iyong kwentong pag-ibig. Para sa iyong Manang, simple lang – “action speaks louder than words”. Kung iniiwasan ka niya, I think may personal siyang issue o kaya ay may pinagdadaanan. Malamang ay hindi pa siya komportable na ibahagi ito sa iyo or awkward para sa kanya na malaman mo ito. Maaari rin namang hindi pa talaga siya ready para makipagrelasyon. The way I see it, give him the space and time he needs.
Kung ayaw niyang makipag-usap ay hayaan mo na lamang siya. Go and move on with your life. Bata ka pa naman at mas maraming tao ka pang pwedeng makilala… Who knows? The love of your life is out there, at hindi ba exciting na makikilala mo siya in the coming days? Huwag mo nang pag-aksayahan ang taong hindi naman affected sa iyo. He’s not worth your time. Enjoy your life and make every day better by being better. Make yourself beautiful, inside and out. Be happy and inspire other people. Keribels?
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or jenniferbilog@yahoo.com.ph o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.