Gambling lord type maging magnate | Bandera

Gambling lord type maging magnate

Den Macaranas - October 28, 2015 - 03:00 AM

PAPASUKIN na rin ng isang gambling lord ang realty business.

Ayon sa ating Wacky Leaks, nagsimula nang mamili ng mga lupain sa kanilang lalawigan ang nasabing gambling operator para gawing pantakip sa kanyang limpak-limpak na salapi.

Halos lahat ng tao sa kanilang lugar ay kilala siya bilang gambling lord at mukhang siya na lang ang hindi nakaaalam nito.

Dahil kailangang itago ang kanilang mga kayamanan, negosyo ang nakikita niyang magandang paraan para hindi masunog ang kanyang mga pinaghirapan.

Bago pumasok sa kanyang utak ang pagtatayo ng mga subdivisions, nauna na siyang nagpatayo ng isang mamahaling golf course sa kanilang probinsiya.

Kaya imbes na jueteng, pwede na niyang ipagmalaki ngayon ang mga legal niyang negosyo.

Pero sa totoo lang ayon sa ating cricket, pantakip lang ang lahat ng mga ito sa kanyang tunay na kabuhayan…iligal na sugal.

Hindi pa rin nagbabago ang bida sa ating kwenyo dahil generous pa rin siya sa mga pulis na naitatalaga sa kanilang lalawigan.

Kailangan niyang maging mapagbigay or else ay gugiluhin nila ang kanyang negosyo.

Isang brand-new na SUV ang kamakailan lang ay ibinigay niya sa bagong talagang PNP official sa kanilang lugar.

Wala na raw bago rito dahil open secret na sa mga pulis ang ganitong kalakaran sa nasabing lalawigan.

Bukod sa realty, in the future ay pinag-aaralan na rin daw ng sikat na gambling lord ang mamuhunan sa transport system.

Gusto rin daw niyang magtayo ng bagong bus company na bibiyahe sa Northern Luzon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang gambling lord na nagtatayo na ngayon ng iba’t-ibang negosyo para maitago ang kanyang kayamanan ay si Mr. B….as in Bola.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending