Ika-6 diretsong panalo habol ng Cignal

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
4:15 p.m. Foton vs
RC Cola-AirForce
6:15 p.m. Cignal vs Petron
Team Standings:
Cignal (5-0); Philips Gold (4-1); Petron (3-2); Foton (1-3); RC Cola-Air Force (1-3); Meralco (0-5)

IKAANIM na sunod na panalo ang nais ng Cignal sa pagharap uli laban sa nagdedepensang kampeon Petron habang wakasan ang tatlong sunod na kabiguan ang nais ng Foton at RC Cola-Air Force sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix women’s volleyball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang Tornadoes at Raiders ang unang magsasalpukan sa ganap na alas-4:15 ng hapon at ang mananalo ay sosolohin ang ikaapat na puwesto sa 2-3 karta.

Ang sagupaang ito ang siya ring opisyal na tatapos sa first round elimination sa ligang inorganisa ng SportsCore at handog ng Asics at Milo na suportado ng Mikasa, Senoh at Mueller at napapanood sa TV5.

Opisyal na bubuksan ang second round dakong alas-6:15 ng gabi sa pagkikita ng HD Lady Spikers at Lady Blaze Spikers. Nagtuos ang dalawa sa pagsisimula ng liga noong Oktubre 10 at bumangon ang Cignal mula sa 0-2 iskor tungo sa 18-25, 17-25, 25-16, 25-18, 16-14 panalo sa Petron.

Si Ariel Usher, na nagpakawala ng 36 puntos sa four-set panalo laban sa RC Cola-Air Force noong Linggo, ang magdadala uli sa Cignal para lumapit sa hangaring upuan sa semifinals.

Pero asahan na mas handa ang Petron na napahinga ng isa’t-kalahating linggo. Sina Erica Adachi at Rupia Inck ay makikipagtulungan uli sa mga locals na sina Dindin Manabat, Aby Marano at Rachel Ann Daquis para makapaghiganti sa naunang kabiguan.

Read more...