Mga OFW sa Amerika at Canada uuwi ng Pinas para makita sina Alden at Yaya Dub

alden richards

Nagtawagan ang mga kaibigan naming matagal nang nagtatrabaho-naninirahan sa Amerika. Napanood kasi nila ang Tamang Panahon na ginanap sa Philippine Arena nu’ng nakaraang Sabado.

Excited na kuwento ni Tita Jojie, “Uuwi kami sa December, panonoorin ko ang movie ng AlDub! Napanood ko na ang teaser ng movie, buong pamilya ka-ming manonood pag-uwi namin diyan!”

At may assignment na kami mula sa aming kaibigan, “Kailangang makita namin ng mga bata sina Alden Richards at Maine Mendoza, magpapa-picture kami sa kanila, sikat na sikat na nag loveteam nila dito sa States!

“Ano ba ang jacket size ni Alden? Parang mahilig kasi siya sa jacket! Ano ang size ng paa ni Yaya Dub? Pasasalubungan namin sila, kaya kailangang samahan mo kami sa Eat Bulaga!” napaka-excited pang reaksiyon ni Tita Jojie.

Ganu’n na nga katindi ang kasikatan at karisma nina Alden at Yaya Dub, binulabog na rin nila pati ang mga kababayan nating matatagal na panahon nang naninirahan sa iba-ibang bansa, wala nang kuwestiyon ang kanilang tagumpay.

Kahit ang anak-anakan naming si Rey-Ar Reyes na Art Director ng Pilipino Express News Magazine sa Winnipeg, Canada ay isa na ring AlDub fan. Grabe ang kanyang pagsuporta sa pinakasikat na tambalan ngayon.

Pauwi naman sa Enero si Rey-Ar, ang kanyang birthday month, siguradong may hinihintay na regalo mula sa amin si Rey-Ar na walang iba kundi ang ma-kilala nang personal sina Alden at Maine at ang tatlong napapanahong lola na sina Jose Manalo, Paolo Ballesteros at Wally Bayola.

Pramis!

Read more...