Ni-reveal ng box-office director na si Wenn Deramas ang big movie projects na gagawin niya sa 2016. Isa na riyan ang pelikulang gagawin niya ay pagbibidahan ng paborito niyang si Claudine Barretto para sa balik-tambalan muli nila ni Piolo Pascual para sa Viva Films titled “Pinilit Kong Limutin Ka.”
“Ang kausap ko sa movie na ‘yan ay ang Viva Films,” sabi ni Direk Wenn sa presscon ng latest horror-comedy movie niya na “Wang Fam” starring Pokwang, Benjie Paras and Wendell Ramos.
Inamin naman ni Direk Wenn na hindi pa niya napi-pitch ang “Pinilit Kong LImutin Ka” kay Piolo, “Kaya ayoko pang kumuda nang kumuda. But definitely, sabi ni Boss Vic (del Rosario), sabi ni Tita Ma-lou (Santos, Star Cinema), gawin na ‘yan! So, it’s a co-production thing,” sabi pa ni Direk Wenn.
Nu’ng Sabado naman, muling nagbida si Claudine sa Maalaala Mo Kaya kung saan gumanap siyang rape victim ng sariling ama. Siguradong marami na namang pinaluha si Claudine sa sensitibong isyu ng incest,
Nakasama rin dito sina Maureen Mauricio, Jao Mapa, Sue Ramirez, Allyson McBride, Marco Pingol, Louise Bernardo, at Paolo Gumabao sa direk-syon ni Jerry Lopez Sineneng.