MAS malaki pa sa FIFA World Cup 2014 (35 million tweets) at sa katatapos pa lamang na Superbowl (36 million tweets) ang naitalang tweets ng AlDub/ Eat Bulaga noong Sabado.
Sa loob ng 24 oras, meron itong 39,522,300 tweets kung saan 1.1 million ang may wrong hashtag kayat 40.6 million ang masasabing correct at kabuuang hashtag. Napuno ang 55,000-seater ng Philippine Arena, at inaasahang lilipad din sa ratings ng AGB Nielsen at Kantar Media ang show.
Pero ang pinakabagong ginawa ng Eat Bulaga na mahirap pantayan ay ang pagpapatupad ng “no commercial break” sa buong tatlo’t kalahating oras. Bagay na nakikita lang natin sa mga mahahabang breaking news coverages tulad ng lindol, o kaya’y kapag dumarating ang Santo Papa.
Ika nga, three and a half hours na “full television production,” walang pahinga at “walang pupunta ng cr situation.” Nakita ko rin ang husay ng mga “commercial insertions” na hindi nakaistorbo sa panonood bagkus mas mabigat pa ang naging rehistro ng produkto sa viewers.
Ang mahabang “commercial dance” ni Jose “Frankie” Manalo na talo pa si Pacquiao sa dami ng tapal ay nagpakita ng matinding “maturity” ng Eat Bulaga sa magandang relasyon ng kanilang production teams sa mga advertisers.
Sa madaling salita, tweeter record, top ratings, matinding commercial re-venues at respeto ng television industry at mga manonood ang nakuha ng nasabing show noong Sabado.
Samantala, sa “It’s Showtime” ay napanood ko rin ang paliwanag ng mga hosts tungkol sa “pagtaas nila ng banderang puti” sa Eat Bulaga. Mismong si Vice Ganda ang nagsabi na hindi nila matatalo ang Aldub at EB kahit sumirko at bumalentong pa sila. Ang bilin ng management ay “pasayahin lamang daw ang mga tao” o “make people happy.” Hindi naman daw tama na ipasara ang show kung talo sila sa ratings dahil marami rin ang nanonood at umaasa rin sa “It’s Showtime”.
Sa aking pananaw, ang pagbagsak ng Showtime ay resulta ng napakaraming pagmamaliit o pagbatikos ni Vice Ganda sa Kalyeserye at sa “not real and organic” na tambalan nina Alden Richards lalo na kay Maine Mendoza na kahapon ay pwede palang “show host” sa timbre ng boses bukod pa sa siya’y galing sa isang may kayang pamilya sa Bulacan.
Naiintindihan ko ang pagyayabang ni Vice, dahil talaga namang super tindi ng ABS-CBN network (TFC, IwantTV, RegionalTV, DIGIBOX, Skycable, Destiny Cable, Social Media). Ika nga, mas sikat talaga ang mga artista sa ABS-CBN kaysa sa GMA7 dahil mas maraming Pilipino ang naaabot, nakakarinig at nakakapanood.
Pero ang tanong, bakit may lumitaw na “dugyot” na ALDUB/ KALYESERYE na galing sa isang “blocktimer” lamang at tinalo lahat ng mga assets ng Kapamilya sa naturang “timeslot?”
Isipin niyo “worldwide” ang trending at hindi kasali ang Kapamilya? Sa aking palagay, ang pagsikat ng AlDub ay hindi mangyayari kung wala si Vice Ganda kayat dapat siyang pasalamatan.
Kumbaga, isang “high horse” na tinapakan at pinagtawanan ang “dubsmash romance-comedy kit” na ngayo’y nagsimulang mag-backfire dahil mas naniwala sa underdog ang bayan.
At ang masakit na katotohanang haharapin nila, nalaos na ang Showtime at pabawas ng pabawas naman ang “relevance” ni Vice Ganda sa masang Pilipino.
Ang pagsuko ng It’s Showtime
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...