Carla, Tom masyadong pabebe, ikinahihiya ang relasyon

carla abellna

Maraming pabebeng mga artista ngayon. Nakakairita ang mga drama ng ilang celebrity couples ngayon.
Nangunguna sa listahan namin itong sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

In their recent interview ay ayaw pa nilang aminin ang kanilang relasyon. It’s obvious naman na magdyowa na sila pero until now ay hindi pa nila ito maamin-amin.

Nakakaloka ang kanilang aria na ayaw nilang lagyan ng label ang kanilang relasyon. Helllllooooo! Pwede bang walang label ang relasyon ninyo? In the first place, when you get into a relationship ay malinaw pa sa sinag ng araw na nasa estado na kayo ng pagiging lovers or mag-boyfriend.

Ano ba ang feeling nitong sina Carla at Tom mga bagets pa sila at cute ang dating nila kung hindi nila aamining magdyowa na sila? Magtigil nga kayo, ‘no. Mga gurang na kayo, you are already of age at hindi na bagay sa inyo ang magpabebe, ‘no.

Why get into a relationship when you’re not proud of it? Hindi ba’t kaya ka nga nakipagrelasyon ay dahil proud ka sa mahal mo?

Carla and Tom should act their age. Hindi na sila bagay magpa-cute! Huwag na silang feeling highschool, daig pa nila magpabebe ang mga teen stars, ha!

Read more...