Joey Reyes napi-feel na posibleng maging magdyowa ang AlDub sa tunay na buhay

yaya dub

Si direk Joey din ang nasa likod ng MMFF entry nina bossing Vic Sotto at Ai Ai delas Alas, with Alden Richards and Maine Mendoza or Yaya Dub, ang “My Pabebe Love”.

Naikuwento nga nitong halos 50% na ng movie ang nakunan, maliban na lang sa mga eksena nina Alden at Maine at mga big scenes nina Bossing at Ai Ai.

Masaya raw ang movie at gulat na gulat talaga siya sa kanaturalan ni Maine, “Wala pa akong nakukunang eksena nila ni Alden dahil hindi pa nagtatagpo ang mga iskedyul nila.

Pero may mga nakunan na ako for Maine and I found her to be a very interesting actress. Napakanatural. May hilig at passion talaga yung bata sa pag-arte,” paliwanag nito.

Kay direk Joey rin namin nakumpirma na super yaman pala talaga ng pamilya ni Maine. Sey ni direk, “Very, very very rich!” sabay mention ng mga negosyo ng pamilya ni Maine gaya ng rice mills, gasoline stations, grocery stores at iba pa.

Nang tanungin namin kung sa panonood ba niya ng AlDub ay masasabi niyang posible ngang mauwi sa totohanan ang relasyon ng dalawa, “Ay oo naman. Kaya nga looking forward ako sa mga eksenang gagawin nila sa movie.”

Read more...