Nahihirapang mamili sa dalawang BF

Sulat mula kay Jhona ng Blumentritt, Murcia, Negros Occidental
Dear Sir Greenfield,

Naguguluhan ako sa ngayon kasi dalawa ang boyfeind ko na pareho kong mahal kaya nahihiran akong mamili kung sino ang dapat kong piliin sa kanila. Sa totoo lang kung dalawa lang ang psuo ko pareho ko silang iibigin at pakakasalan, kasi pareho silang mabait at mabuti sa akin, ang kaso iisa lang ang puso ko. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo, kasi sa edad kong 27 na sa darating na November 19, gusto ko na sanang mag-asawa next year. Sa palagay nyo sino sa dalawang boyfriend ko na ito ang dapat kong piliin at pakasalan. Ang una po ay si Mr. Aquarius na isinilang noong February 3, 1986 at ang ikalawa naman po ay si Mr. Cancer na isinilang noong July 16, 1987, habang November 19, 1988 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Jhona ng Negros  Occidental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May dalawang magkalapit at makapal na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa iyong pa-lad. Ito ay tanda na sa iisang panahon ng ng iyong buhay dalawang magkasabay na relasyon ang mararanasan mo, ngunit dahil higit na mas mahaba at mas makapal ang pangalawa, (arrow 2.), tiyak ang magaganap kung sino ang huli o ikalawang dumating sa dalawang boyfriend mo, tiyak ang magaganap – siya ang pipiliiin mo upang mapangasawa at makasama sa pagtatayo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.

Cartomancy:
Two of Clubs, King of Hearts at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung sino sa dalawang lalaki ang halos kasing edad o kasing tanda mo, tiyak ang magaganap, sa susunod na taong 2016, mabilisang pag-aasawa ang biglaang magaganap.
Itutuloy…..

Read more...