PINAGPIPISTAHAN na ngayon kahit saan ang kinauwian ng relasyon ng isang magandang aktres sa kanyang mister na may kamag-anak sa showbiz pero hindi naman masyadong naggugol ng panahon sa pag-aartista.
Maraming nanghihinayang, maraming nagsasabi na napakasakit naman talaga ng nangyari sa kanya dahil hindi niya kabaro, kundi isang lalaki ang nakaagawan niya sa puso ng ama ng kanyang mga anak.
Kaya sanang tanggapin ng magandang aktres ang nangyari, pero paulit-ulit man niyang isipin ay isang napakalaking kahihiyan ang ginawa ng kanyang mister, lalo pa’t kilala niya ang lalaking ipinalit nito sa kanya.
Simulang kuwento ng aming source, “Family friend pa kasi nila ang guy, kaya sobrang sakit sa kanya ng natuklasan niya. Nangyayari naman ang ganyan sa iba, hindi lang naman siya ang nag-iisang babae sa mundo na nakaranas ng ganyan, pero naging hindi katanggap-tanggap ang lahat dahil kumpare pa pala nila ang karelasyon ng mister niya.
“Kaya hanggang ngayon, e, talagang masakit na masakit sa kanya ang nangyari, kilala rin kasi ng mga common friend nila ang guy na karelasyon ngayon ng husband niya,” napapailing na kuwento ng aming impormante.
Umalis ng bansa ang aktres na sobrang sama ng loob, gusto pa sana siyang pigilan ng lalaki, pero buo na ang kanyang loob na humiwalay.
“Ilang ulit nang nag-try ang guy na amuin si ____ (pangalan ng magandang aktres), pero wala pa ring nagbabago sa sitwasyon. Desidido na ang girl na huwag nang bumalik, makikipaghiwalay na talaga siya, dahil wala na siyang mukhang ihaharap sa mga kamag-anak at kakilala nilang mag-asawa,” hinayang na hinayang na pagtatapos ng a-ming source.
Naku, mga dear readers, pumuputok na ang puso ng bumibidang aktres sa ating kuwento, sobrang lakas pa ng pagsabog ng kanyang pangalan kapag inispeling mo, sa totoo lang.
Female star naloka nang mabuking ang relasyon ng kanyang mister kay kumpare
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...