Angel ipapasa ang bato ni Darna kay Liza

By Reggee Bonoan October 24,2015
share this

Angel ipapasa ang bato ni Darna kay Liza

By Reggee Bonoan October 24,2015
share this

liza soberano

How true si Liza Soberano na raw ang gaganap na Darna sa TV remake nito?

Bulong sa amin ng aming source, ang ka-loveteam na raw ni Enrique Gil ang napagbotohang gagawa ng seryeng Darna na ginawa noon nina Batangas Gov. Vilma Santos at Angel Locsin.

Ang mangyayari raw sa ending ng “Darna The Movie” na pagbibidahan ni Angel at nakatakdang ipalabas next year ay ipakikitang ipinapasa ng aktres ang bato kay Liza.

As of now ay wala pang final title ang pagbabalik ni Darna sa big screen pero ang balita namin kasali rin dito si Gov. Vi in a very special role.

Nabanggit din sa amin ng aming source na nahihirapang mag-shooting ngayon ang dalawang aktres dahil bisi-bisihan na ang Star for All Seasons sa huling termino niya bilang gobernadora ng Batangas kaya hindi magtagpo ang schedule ng dalawa.

Speaking of Liza ay hindi pa raw nito alam na siya ang napupusuang maging Darna dahil hindi pa naman ito ibinabalita ng mga bossing ng Star Cinema sa dalagita.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending