NAGBABALA ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na magiging masyadong mabigat ang daloy ng trapiko sa Sabado sa North Luzon Expressway (NLEx).
Ayon sa MMDA, asahan na umano ang mala”road to forever” na trapiko na idudulot ng mega fans day ng AlDub na gagawin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
kung saan ikinumpara pa tio sa “road to forever.”
“Expect [NLEx] to feel like the road to forever. Plan your trips accordingly,” sabi ng MMDA sa Twitter account nito.
Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na planuhin ang kanilang biyahe kung sila ay pa-Norte para makaiwas sa trapik.
Sa Sabado na ang “Tamang Panahon” fans day na pangungunahan ng split-screen loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza alias Yaya Dub.
Sold-out ang mga tiket para sa Ciudad de Victoria sa Bulacan, na may kapasidad na 55,000 katao.
MOST READ
LATEST STORIES