Mestisang ‘babae’ ni James nagtaray, kinawawa ng bashers

JAMES REID

JAMES REID

KAWAWA sa fans ng JaDine ang baguhang artista na si Debbie “Debs” Garcia. Ito’y matapos ngang kumalat sa social media ang kanyang litrato kasama ang ka-loveteam ni Nadine Lustre na si James Reid na tila sweet na sweet sa isa’t isa.

Itinanggi ni James sa last presscon ng On The Wings Of Love na may namamagitan sa kanila ni Debs, friends lang daw sila.

Mas lalong nagalit ang fans nina Nadine et James nang mag-post si Debs sa kanyang IG ng, “Before you assume. Learn the facts. Before you judge. Understand why. Before you hurt someone. Feel. Before you speak. Think.”

Dagdag pa nito, “When you know who you are, what you stand for, where you’re going—good OR bad, people will often have an opinion. Think less, live more.”

At dahil dito, muling binato ng masasakit na mensahe ang newbie actress ng ilang JaDine fans dahil feeling nila sila ang pinatutungkulan ng mga ito.

Read more...