Onyok lucky charm ni Coco; labs na labs ng madlang pipol

COCO MARTIN AT SIMON "ONYOK" PINEDA

COCO MARTIN AT SIMON “ONYOK” PINEDA

SPEAKING of Ang Probinsiyano, bukod sa magandang pagkakatahi ng kwento at mahusay na pagganap ng mga bida, isa sa mga tinutukan ngayon sa phenomenal seryeng ito ng ABS-CBN ang karakter ni Onyok, na ginagampanan ng baguhang child actor na si Simon Pineda.

Si Onyok ay ang batang aeta na kaibigan ni Cardo (Coco Martin) noong nasa Zambales pa ito. In fairness, siya ngayon ang bukambibig ng mga tindera sa palengke, ng mga driver, ng mga nanay, pati na rin ng mga empleyado sa mga opisina. Talagang in na in ngayon ang bagets dahil sa ga-ling niyang umarte sa serye ni Coco.

Maganda ang naging pagkakaibigan nina Cardo at Onyok sa Ang Probinsiyano. Hanggang sa kailangan nang gawin ni Cardo ang misyon na maging Ador, ang kakambal nito na pinatay ni Joaquin (Arjo Atayde). Kinailangang iwanan ni Cardo si Onyok at gawin ang misyon sa Maynila.

Sa takbo ng kwento, lumuwas ng Maynila si Onyok para hanapin ang kanyang Kuya Cardo. Matindi ang pinagdaanan ni Onyok sa paghahanap kay Cardo, na ngayon ay naka-disguise na bilang Ador. Kasama ang ilang bata sa kalye, kinukupkop ngayon si Onyok ang isang malaking sindikato na dumudukot sa mga bata.

Kung magkita man sila, kilalanin kaya ni Cardo si Onyok na ngayon ay kailangang panindigan ang pagiging Ador, kasama ang pamilya nitong sina Lola Flor, Carmen at Junior?

Patindi nang patindi ang mga eksena sa number one at pinag-uusapang teleseryeng Ang Probinsyano.

Read more...