Daniel, Kathryn ikinandado na ang puso para sa isa’t isa

DANIEL PADILLA  AT KATHRYN BERNARDO

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

HANGGANG kailan kayang tiisin ng mga karakter nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang pag-ibig para sa isa’t isa sa kanilang top-rating series na Pangako Sa ‘Yo?

Sa mas tumitindi pang takbo ng kuwento, tuluyan na ngang nagdesisyon si Yna (Kathryn) na layuan na si Angelo (Daniel) matapos maaksidente ang dating kasintahan. Ngunit sa kanyang pilit na paglimot sa buhay sa Punta Verde, hindi magiging madali para kay Yna ang magsimula ng bagong buhay sa Talisay sa kabila ng pagsisikap ni David (Diego Loyzaga) na pasayahin siya.

Matapos ang aksidente, matatagpuan ni Angelo na magkasama sina Yna at Diego, na siya namang i- kagagalit nito. Sa pag-aakalang tuluyan na siyang kinalimutan ni Yna, makahanap na kaya si Angelo ng sapat na lakas ng loob para kalimutan na rin ang babaeng pinakamamahal?

Bukod pa riyan, kaabang-abang din ang kahahantungan nina Amor (Jodi Sta. Maria), Eduardo (Ian Veneracion), at Claudia (Angelica Panganiban). Aminin kaya ni Amor na mahal pa niya si Eduardo? Hanggang saan ang kayang gawin ni Claudia para hadlangan ang pag-iibigan ng kanyang asawa at ni Amor?

Sabi pa ni Kathryn, “Marami pa silang aabangan lalo na itong upcoming week. Kung marami nang nangyari last week, ito mas maraming revelations. Pa-end na rin kasi ng book one namin so lahat intense scenes. Makikita na nila.”

Napapanood pa rin ang Pangako Sa ‘Yo, gabi-gabi after Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida.

Samantala, bilang patuloy na pasalamatan ang mga manonood sa gabi-gabi nilang pagsusubaybay sa programa, tutungo ang cast ng Pangako Sa ‘Yo sa “One Kapamilya Go” sa Oakland, California, USA na gaganapin sa Oracle Arena ngayong Okt. 25. Ito ay bahagi ng pa rin ng “PSY Thanksgiving Tour” na una nang nasimulan sa Biñan, Laguna.

Read more...