Siguradong makabasag-eardrums ang magaganap na tilian sa darating na Sabado sa Philippine Arena para sa Tamang Panahon.
Sold out na ang tickets para sa Eat Bulaga, marami pang humahabol pero wala nang maibigay ang Ticketworld, sa TV na lang manonood ang mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Gustong makibahagi ng ating mga kababayan sa napakagandang proyekto ng Eat Bulaga, ang paghahandog ng library sa mga pampublikong paaralan, sa halip na ang gobyerno ang magbigay nu’n sa mga eskuwelahan ay inako na ng kalyeserye ang donasyon para sa mga kabataang Pilipino.
At siyempre, hindi mawawala sa intensiyon ng mga kababayan natin ang makita nang personal ang AlDub, lalo na’t meron palang production number na ihinanda ang TAPE, Inc. para sa kanila.
Nagre-rehearse na ngayon sina Alden at Yaya Dub, pero hiwalay ang kanilang pag-eensayo, sa Philippine Arena na lang sila magkakasama-magkakalapit sa Sabado.
Kuwento ng kaibigan naming kinukulit ng kanyang mga anak para makabili ng tickets para sa Tamang Panahon, “Sino ba naman kasi ang mag-isiip na in just one day, sold out na ang VIP tickets nila?
“Humabol ako sa 600 at 300, wala na rin! Kahit daw ‘yung 150 na ang kunin ko, basta makapanood lang sila, pero nu’ng kumukuha na ako sa Ticketworld, wala na rin pala!
“Sorry na lang sa mga bata, pero sa TV na lang kami manonood sa Saturday. Makikita rin nila sina Alden at Yaya Dub, sigurado ‘yun, sa tamang panahon,” natatawa na lang na kuwento ng aming kaibigan.
Regine!!!! Whooooh!!!!