Denise Laurel matagal nang engaged sa atletang dyowa pero di pa rin nagpapakasal

denise laurel

Matagal nang engaged sa kanyang basketball player boyfriend ang isa sa mga bida ng afternoon drama series na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na si Denise Laurel. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang nase-set na date para sa kanilang kasal.

“Feeling ko after Your Face (Sounds Familiar) I’m gonna be able to just sit down and finally pick a day, finally I have time to prepare. Kasi as of now, I’m trying to give my 200% sa soap.

And I’m trying give my 200% sa Your Face. I’m trying to give 200% sa anak ko, sa parents ko and sa fiancé ko,” ani Denise. Wala pa raw sa itinerary niya na isipin when she can pick a date for her wedding.

Mabuti na lang daw understanding ang kanyang fiancé ko at todo-support siya. “Nanonood nga siya ng Your Face, e. Sobrang fan siya. Sabi niya minsan, alam mo kahit wala akong maintindihan minsan, kahit Tagalog na malalim, tawang-tawa raw siya at sobrang naa-amuse siya.

He loves music kasi kahit athlete siya. He loves watching performers and artists. And sobrang kahit hindi niya kilala, ire-research niya para makita niya.”

Thankful naman si Denise sa lahat ng sumuporta sa nagtapos nang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, “Yes, it ended after a year of shooting and nine months airing. Matagal din. Actually, never naming inisip na ganito katagal.

“I mean, you’re always excited, ‘ano ‘yung next na script,’ ‘Ano’ng mangyayari,’ganyan kaming lahat. Pero fast forward kaya nagulat na lang kami na mage-end na,” sabi pa ni Denise.

Read more...