SIMULA sa Oktubre 26 ay maaari nang makapag-apply ng calamity relief package ang mga Social Security System (SSS) members and pensioners na apektado ng supertyphoon Lando
Ang mga miyembro at pensioners ng SSS na nakatira sa mga lugar na idedeklara ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NRRMC) na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa bagyong Lando ay saklaw sa nasabing programa
Ang SSS calamity relief package ay binubuo ng Salary Loan Early Renewal Program (SLERP) kung saan papayagan ang miyembro na mag-renew ng kanilang salary loan nang mas maaga kaysa sa scheduled date.
Sa ilalim naman ng SSS Direct House Repair and Improvement Loan Program ay pinapatawan lamang anim na porsyentong interes kada taon at tatlong buwan na advanced pensyon para sa mga pensyonadong tumatanggap ng pensyon sa ilalim ng SSS at Employees’ Compensation Program.
Para sa mas matulu-ngan naman ang mga miyembro sa kanilang pagbangon mula sa kalamidad, tinatanggal ng SSS ang isang porsiyentong service-fee na ibinabawas sa loan proceeds
Para naman sa advanced pension, ang mga pensyonado na iba ang kasalukuyang address sa naka-rehistro sa SSS database ay kailangang magsumite ng barangay certification bilang patunay na sila ay nakatitra sa idedeklarang calamity areas.
Sa mga miyembro naman na kailangang ipakumpuni ang kanilang tirahan, maaari silang mag-apply ng Direct House Repair and Improvement Loan .
Ang mga kwali-pikadong miyembro at pensyonado ng SSS ay may hanggang Disyembre 31, 2015 para magpasa ng kanilang aplikasyon sa SLERP at advanced pension. Isang taon naman mula sa pag-release ng panuntunan sa Direct House Repair and Improvement Loan ang palugit para mag-apply sa sa programang ito.
Ms. Booobie
Angela Ocay
Assistant Vice President for Member Loans
Social Security
System
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Bi-yernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.