Excited na ibinalita ni Claudine Barretto na gagawa uli siya ng isang espesyal na episode sa drama anthology ni Charo Santos sa ABS-CBN, ang Maalaala Mo Kaya.
Matapos nga ang successful movie comeback niya sa pamamagitan ng “Etiquette for Mistresses,” kung saan nakasama niya sina Kris Aquino, Kim Chiu at Iza Calzado, magbibida naman ang estranged wife ni Raymart Santiago sa MMK.
Noong Lunes, excited na ipinost ng aktres sa kanyang Instagram account ang litrato ng kanyang “call slip” para sa taping niya sa MMK. Nilagyan niya ito ng caption na: “Here it is my palanggas!”
Dalawang beses nang umapir sa MMK si Claudine, una sa episode na “Walkman noong 1993 at “Valentine Card” episode noong 1996.
At kung magiging maganda ang pagtanggap ng viewers sa MMK ni Claudine, hindi imposibleng magbukas muli ng pinto ang ABS-CBN sa kanya para sa mas malaking proyekto, tulad ng teleserye na pinagreynahan niya noon.