Snooky: Kailangan pagbayaran ang kademonyohan niya!

snooky

PATULOY na dumarami ang mga nagagalit kay Snooky Serna dahil sa napakasama niyang karakter sa GMA Telebabad series na My Faithful Husband.

Talagang apektado ang mga manonood sa role ni Snooky sa serye bilang si Mercedes, ang madakdak at ambisyosang nanay ni Emman (Dennis Trillo) na galit na galit sa kanyang daughter-in-law na si Mel (Jennylyn Mercado).

Ayon sa aktres, ito na yata ang pinakanakakapagod at pinakamasamang karakter na ginampanan niya sa buong acting career niya, “When I go out lalo na sa mga malls and restaurants, people used to call me ‘Snooky.. Snooky..’ Now ‘Cedes (Mercedes)..Cedes’ na.

“They keep asking me why I accepted the role na I never played before as kontrabida. I accepted the role to show my different style or atake sa isang role. To show my versatility. All my life ngayon lang ako kinaaasaran ng fans,” ani Kukay.

However, despite having intense and heavy scenes, behind the camera, the cast and production team of My Faithful Husband are like one big family. “Sa taping, para kaming isang big family, equally treated, lahat level-headed and professional, walang malaki ang ulo kahit hit ang show.

It’s a team effort,” Snooky added. Sa ngayon, nasa kulungan ang karakter ni Snooky dahil siya ang prime suspect sa pagkamatay ni Arnaldo (Ricky Davao). Pero banta ni Mercedes, magbabalik siya para maghiganti.

“Mas magagalit pa ang viewers kay Mercedes. Marami pang twist. But kung ako ang tatanungin, I want Cedes na makulong ng life imprisonment. To give justice sa lahat ng kademonyuhan niya.

Pero at the same time, nakakaawa rin si Cedes kasi lost soul siya, eccentric, and a mom who wants to protect her family despite the fact na mukha siyang pera.”

Napapanood pa rin ang My Faithful Husband gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng Beautiful Strangers nina Lovi Poe at Heart Evangelista.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng MFH, matapos ang mga blood and bone marrow tests, sasabihin ng doktor kina Mel at Emman na may aplastic anemia si Aliyah at kailangan na siyang magpagamot sa lalong madaling panahon.

Itinatago nina Mel kay Dean (Mikael Daez) ang kondisyon ng anak kaya siya na lang mag-isa ang nagtanung-tanong sa doktor. Magugulat siya sa matutuklasan.

Susugurin ni Dean si Mel dahil itinago sa kanya ang tungkol sa sakit ni Aliyah. Determinado si Dean na gawin ang lahat para matulungan ang anak.

Samantala, magkukrus ang landas nina Artemio (Lloyd Samartino) at Carmen (Rio Locsin). Galit si Carmen kay Artemio, pero matapos ng ilang pagpapaliwanag at pagsuyo ay mapapatawad na rin ni Carmen ang asawa. Balik na sa normal ang lahat sa kanila.

Read more...