Daniel Padilla rehistrado na, nakapagpa-biometrics pa; ready na sa #VotePH2016

daniel padilla
DINUMOG ng KathNiel fans ang Quezon City hall, especially ang lokal na tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) matapos mapabalitang darating ang love team na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para magparehistro at biometrics in time for the 2016 presidential elections.

Umaga pa lang ay nakaabang na ang mga tao sa pagdating ng dalawa.  Nagpadala na rin ng mga pulis sa lugar para sa crowd control dahil siguradong dudumugin ang dalawa sa sandaling dumating ang mga ito.

Pasado alas-2 ng hapon ng dumating ang maglove-team sa Comelec QC para makapagparehistro.

Si Daniel ay nagtungo sa tanggapan para sa mga botante ng District 6 habang si Kathryn naman ay sa District 3 naman.

Read more...