Pacquiao una sa senatorial lineup ng UNA

PINANGALANAN na ng  United Nationalist Alliance (UNA) ang 11 sa 12 senatorial bets nito para sa darating na halalan.

Ayon sa source, pangungunahan ni Sarangani Rep. and boxing champ Manny Pacquiao ang listahan ng senatorial ticket ng UNA.

Bukod kay Pacquiao, nasa listahan din sina Alma Moreno, Sulu Princess Jacel Kiram, ang sinibak na Special Action Force chief na si Getulio Napenas, veteran broadcaster Rey Langit, Atty. Allan Montano.

Lima naman ang guest candidates ng UNA at sila ay sina: Senador Vicente Sotto III mula sa Nationalist People’s Coalition, Leyte Rep. Martin Romualdez mula sa Lakas party, independent candidate Panfilo Lacson, dating congressman Migz Zubiri at dating Senador Richard Gordon.

Ayon sa source, pormal na ihahayag ng grupo ang listahan matapos pag-aralan ng selection committee ang mga napipiling kandidato.

 

 

Read more...