DEREK: Lord, parusahan n’yo ko!

Kung may nagawa mang  kasalanan sa ABS-CBN

ANG ganda ng mood ni Derek Ramsay nang makatsikahan namin sa ikalawang presscon ng pelikulang “A Secret Affair” kasama sina Andi Eigenmann at Anne Curtis produced ng Viva Films na idinirek naman ni Nuel Naval.

Pero bigla siyang naging seryoso nang tanungin siya tungkol sa isyung pinagbawalan ang Showtime host na banggitin ang pangalan niya sa promo ng pelikula nila sa ABS-CBN.

Maging sa trailer ng “A Secret Affair” na ipinapakita sa ABS-CBN ay na-edit out si Derek at sina Anne at Andi lang ang ipinapakita bagay na ipinagtataka rin ng ibang nakakapanood dahil bida raw ang actor sa pelikula, bakit daw wala siya.

Kaya kinunan ng reaksyon si Derek tungkol dito, “You know what, hindi ko na pinapansin ‘yun, okay lang sa akin talaga.

I’m sure they’ll have their reasons, ‘yung sinabi nga ni Manay Ethel (Ramos) (PR ng Star Cinema) na may secret reason, e, di sa akin na lang. Why don’t they just go after me, nadadamay pa ang ibang tao?”

At hindi na rin interesadong malaman ng actor kung sino ang nagbawal na banggitin ang pangalan niya, “I really don’t care!

Ako, I have a lot of respect to ABS-CBN, hindi ko makakalimutan ang ginawa sa akin ng ABS with regards to my career.

Kung ano ang ginawa ng Star Cinema sa aking career. I gave them that respect, so for me, ayoko ng mawala pa ‘yun.

“So, ‘yung mga ganito, ayoko ng isipin pa. I’m not mad but a little bit upset ‘coz, I’m working hard. I’m giving a lot to this project and I never disrespect to ABS and I never lied to ABS and they know that and they wouldn’t deny that because I was honest and open to them for eight months.

“I don’t know why they’ll keep saying na according to tsismis na bigla ko silang iniwan, ang tagal na pinag-usapan (negosasyon) ‘to, eight months, pamilya ko, sila nandoon.

I remember seating down and I was the one na (na nagsabing) mag-usap, matamaan man ako ng kidlat ngayon!

At sinabi ko na sa kanila na, ‘Teka muna guys, I’m considering moving (to TV5), sinabi ko rin kay Mr. Gabby Lopez and he was very, very nice.

Sinabi pa nga niya sa akin na, he respects what I’ve said to him and respects my father, ang ganda nga ng email ni Mr. Gabby Lopez sa daddy ko.

“Because my dad went straight to him and he sent a very nice e-mail back to my father.

You know, nu’ng binasa ko, I respect Mr. Lopez for that na binigyan niya ako ng respeto, binigyan niya ng respeto ang daddy ko,” mahabang paliwanag ni Derek.

Masama ba ang loob niya sa nangyayari?

May tsi-kang masama ang loob niya sa Star Cinema, “Nu’ng nanalo ako ng box-office king sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, una kong pinasalamatan Star Cinema and tita Malou (Santos).

I don’t know where all these are coming from. Ayoko ng isipan basta ako, ang laki ng respeto ko sa ABS, you know, nasasaktan ako, but I have high respect for them,” diin pa ng morenong actor.

“I live it to that.  Basta ako, ayoko ng gulo, nasa TV5 ako and I’m very happy, happy with my decision and ‘yun na ‘yun, tapos na ‘yun.

And guys, kung may nagawa akong masama sa ABS-CBN, ‘Lord, parusahan ninyo ako! Alam nila ‘yun, na wala,” dagdag pa nito.

“Nahihiya ako sa Viva kasi nadadamay pa sila at iba kong ka-trabaho.

Wala namang kinalaman sa desisyon na ginawa ko sa buhay ko (paglipat niya sa TV5) nadadamay pa sila.

Anong sasabihin ko, nahihiya ako. I’m really got touched what Anne’s said na, even she was not allowed to say my name, she did!

“That’s the friendship Anne and I have, I never asked her to do that.

And what makes even…you know heartwarming because she stood for me, that is really awesome,” say pa ni Derek.

Read more...