NANINIWALA ang kampo ni Senador Grace Poe na may bahid politika at planado ang pagsasampa ng disqualification case laban sa senador.
“Every Filipino has the right to avail of the remedies afforded by law. The former senator is entitled to his opinion and we will respect that. In the end, the rule of law prevails and the vibrancy of our democracy is sustained,” sabi ng abogado ni Poe na si George Garcia patungkol sa bagong disqualification case na inihain ng dating senador Kit Tatad.
Sinabi naman ng tagapagsalita ni Poe na si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na gumagamit ng “dirty tactics” ang mga nais pumigil sa pagtakbo ni Poe.
Nanawagan din ito sa mga kandidato na iwasan ang batuhan ng putik at gumamit ng maruming taktika para manalo.
“Since topping the presidential surveys, she has been in the receiving end of baseless suits that are meant to harass. Clearly sinister minds have launched a pre-meditated and concerted effort to condition the minds of the public that Sen. Poe will be disqualified,” pahayag nito.
Handa naman umano si Poe na harapin ang mga kasong ito.